Sunday, August 10, 2008

Iyakin parin



playing around
Originally uploaded by Snapies

Hayyy si Freya kala ko magbabago na. kala ko hindi na sya magiging iyakin waaaaaaa ganun parin ang kaibahan ngalang ibat ibang posisyon na ang gusto nya. at saka mas nkakangawit ngayon kasi pano mas mabigat na sya huhuhu

Sa iba madaling sabihin na madali lang mag-alaga ng baby madali para sa kanila dahil may kasama sila at napapahaba ang pasensya nila pero tulad kong mag-isa lang sa bahay at nag-aalaga ng dalawang demanding na bata sa tingin nyo madali kaya yun? Sa tingin mo magagawa mo pang kumain kong laging iyak ng iyak? Sa tingin mo makakaluto ka pa kya kung iyak ng iyak? Masuwerte ang iba dahil mapera sila at pwede sila kumain sa labas o mag-order kami hindi pwedeng laging ganun dahil wala kaming maiipon LOL. May masusuot ka pa kaya kung hindi ka nakakapaglaba dahil iyak ng iyak? Ayw humiwalay sa tabi mo ang baby mo.

Natutuwa ako pag lagi akong hinahanap ni Freya. Natutuwa ang damdamin ko pag ako ang kailangan nya kesa sa daddy nya. Ang nakakainis hindi ko na magawa ang sarili kong pangangailangan like ang kumain sa tamang oras, maligo, magsuklay at kahit nga magpalit ng undies eh hindi ko na magawa. Tuwing aalis kami hindi ko manlang matignan sa salamin ang sarili kung ayos ba ang itsura ko. Damit ko paulet-ulet nalang dahil wala na akong panahon na maghanap pa ng susuotin. Pati ba naman ang pag-iinternet at pagbablog ko eh pahirapan pa? Kung wala lang siguro akong nakukuhang pera sa pagbablog ay baka tinigil ko narin ito.

Dyoskow po ang hirap maging ina... haayyyy! Napapagod din ako kahit na mga anak ko nagpapasaya sakin ay hindi ako ipokrita para sabihin na AYOS lang ako!

2 comments:

MAARTE said...

Hay naku pareho lang naman tayo sitwasyon at nakaka-stress talaga! Ako ng aay ako lang talaga nag-alaga sa lahat ng mga anak ko. Wish ko lang uso at affordable ang KATULONG or YAYA dito sa states tulad sa Pinas noh?

Para may time naman tayo magpahinga...

trx d said...

kayang kaya mo yan Sis! in no time lalaki din ang mga yan at kapag school age na sila, feeling mo inabandona ka na haha! enjoy while it last. you're right, me mga times lang talaga na feeling mo eh kawawa ka. always think na lang na this will all pass! :)

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin